Kilalanin ang iyong apelyido (3)

Kilalanin ang inyong angkan sa pamamagitan ng pagkukuwenta ng inyong family name number. Narito ang number value ng bawat letra: 1—AJS; 2—BKT; 3—CLU; 4—DMV; 5—ENW; 6—FOX; 7—GPY; 8—HQZ; 9—I,R.  Laging i-convert sa single number ang magiging sum total ng inyong apelyido. Halimbawa: Apelyidong Yu (7+3=10 or 1).

Family Traits Number 3

Traits: Ipinagmamalaki nila ang kanilang lahi, may positibong pananaw at  ambisyoso. Laging nag-aambisyong humawak ng pinakamataas na posisyon sa trabaho. Lahi sila ng madadaldal.

Hanapbuhay: Career na may kaugnayan sa public service o sa gobyerno, religion, arts.

Health: Problema sa skin, feet, overindulgence at low blood pressure. Madalas ay nagsasawa sa trabaho dahil sa overwork at emotional upset.

(Itutuloy)

 

Show comments