Pap Test? Last part

Dapat magsimula ang cervical cancer screening sa loob ng tatlong taon matapos magsimulang makipagtalik ang isang babae, pero hindi hihigit ang edad sa 21 taong gulang.

Inirerekomenda naman ang cervical cyto­logy screening at ang regular na pap test tuwing kada tatlong taon hanggang sa umabot ng 30 taong gulang ang isang babae. Sakaling maging normal ang resulta ng pagpapa-test sa nasabing edad, kahit every 5 years na lamang ang regular na rekomendasyon ng mga expert, samantalang kailangan idagdag ang HPV test.  Kung magiging normal pa rin, kada ika-10 taon na lang ang regular na pagpapasuri hanggang sa marating ang edad na 65. Pero kung ang isang babae ay may risk factors gaya ng pagkakaroon ng human immunodeficiency virus (HIV) infection, paghina ng immune system, nauna nang na-diagnose na may cervical cancer ay mangangailangan ng mas madalas na screening at kailangan alamin ang tungkol dito sa kanyang pinagkakatiwalaang doctor.

Ang mga kababaihan naman na dumaan sa total hysterectomy o ang pagtatanggal ng uterus at cervix ay hindi na kailangang mapa-cervical cancer screening, maliban na lang kung ang surgery ay isinagawa bilang gamutan para sa cervical precancer o cancer case.  Kung sumailalim sa hysterectomy pero hindi naman tinanggal ang cervix, kailangan pa rin magpa-screening.

Kahit pa ang nagpabakuna ng HIV ay pinapayuhan pa ring sundin ang mga guideline ng pagpapasuri para sa kanilang age bracket.

Higit sa lahat mahalaga na maging aware ang sinumang kababaihan tungkol sa iba;t ibang kondisyon may kaugnayan sa kanilang kalusugan. Hingin ang gabay ng inyong doctor tungkol dito.

 

Show comments