Hindi kailangan ng magarbong kasal...

Dear Vanezza,

Matagal na kaming nagli-live-in ng asawa ko. Mayroon na kaming dalawang anak. Teacher po ako sa isang public school. Noong una’y walang problema. Pero ang matalik kong kaibigan na naging mortal kong kaaway ay nagsumbong sa principal tungkol sa aking pakikipag-live-in. Masyadong relihiyoso ang a­ming principal at pinatawag ako. Maaari raw akong makasuhan ng immorality dahil sa ginagawa ko. Binantaan niya akong  tatanggalin sa trabaho. Ang payo niya’y magpakasal kami kahit sa huwes. Pero ang gusto ng mister ko ay ma­rangyang kasal at ito’y pinag-iipunan namin. Ano ang gagawin ko? - Ms. Che

Dear Ms. Che,

Hindi rason ang planong magarbong kasal para hindi kayo magpakasal kahit man lang sa huwes kung wala pa kayong sapat na pera. Tama ang principal. Ano ba ang gusto mo mawalan ng trabaho o mapakasal sa huwes? Kahit naman kasal na kayo sa huwes ay puwede pa rin kayong magplano ng magarbong church wedding kung iyan ang gusto ninyo. Kaya huwag nang ipagpaliban pa. Kahit sa huwes ay magpakasal kayo. Ang importante ay may kontrata kayong pinanghahawakan at ang mga anak ninyo’y hindi maitutu­ring na illegitimate.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments