Dear Vanezza,
Isa akong saleslady. May manliligaw akong 10 taon ang agwat ng edad sa akin. For practical reasons, gusto ko na siyang tanggapin kahit walang love akong nararamdaman. Nasa boundary na kasi ako ng pagiging old maid at ayaw kong mapag-iwanan ng biyahe. Matandang binata siya at ang negosyo niya ay mga RTWs na idinedeliver sa aming tindahan. Handa raw niya akong pakaÂsalan. Minsan akong sumama sa kanyang kumain sa labas ay ikinuwento niya ang kanyang buhay.
Galing din siya sa hirap at nagsariling sikap para umasenso. Siya ang nagpaaral sa mga kapatid niya kaya nakalimutan niya ang pag-aasawa.
Mababa rin ang kanyang tinapos. High school lang pero umangat sa buhay. Tama ba na sagutin ko siya kahit walang love sa puso ko? Mabait siya at gusto ko siyang kaibigan. - Bing
Dear Bing,
Kailangan ang pag-ibig sa ano mang relasyon. Kung minsan ay may mga pagsasama na wala ang pag-ibig sa umpisa ngunit nadi-develop kalaunan. Pero papaano kung hindi umusbong ang pag-ibig? Baka pagsisihan mo? Pero sa paglalarawan mo sa kanya ay mukhang uliran siyang asawa. Marunong dumiskarte sa buhay at kayang magtatag ng pamilÂya. Mga mahahalagang katangian ng isang ideal man to marry. Pero nasasa’yo kung sasagutin mo siya for “practical reasonsâ€. Puwede kang magbakasakali pero ang consequence ng iyong gagawin ay dapat mong tanggapin, mabuti man ito o hindi.
Sumasaiyo,
Vanezza