Hindi na mabilang ang iba’t ibang kaso ng pagkalason sa maraming lugar dito sa ating bansa, maÂging sa iba parte ng mundo. Marami na rin ang mga information drive o mga rekomendasyon kaugnay sa pagpapanatiling ligtas ng mga pagkain. Pangunahin na ang paalala tungkol sa malinis na preparasyon sa pagluluto at paghahain ng pagkain.
Pero ayon sa mga health care expert, hindi raw sapat na malinis ang pagkain para mailayo ang ating sarili, maging ang lahat ng mga mahal natin sa buhay sa pagkakasakit. May ilang rekomendasyon sila kung saan dapat maging aware din ang mga magulang o kahit sino man na naghahanda ng pagkain tungkol sa sinasabing ilang pagkakamali kaugnay sa food safety. Basahin ang mga sumusunod:
• Hindi dapat tikman ang gatas para alamin kung ito at panis na.
• Kung iisipin, hindi naman magandang ideya kung ilalagay mo pa sa bibig mo ang gatas. Paano kung panis na? Maaaring malunok mo pa ito at pagmulan ng pananakit ng iyong sikmura. Ang pag-amoy dito ay makakatulong na para matukoy kung ligtas pa ang gatas.
• Hindi dapat ibalik sa plato kung saan naunang inilagay ang karne noong ito ay hilaw pa at pagkaluto dito. Kapag hilaw kasi ang anumang uri ng karne, karaniwan ang mga bacteria dito. Kaya kung parehong plato ang gagamitin na paglalagyan ng hilaw at luto na, malaki ang posibilidad na humalo ang bacteria sa luto nang pagkain.