^

Para Malibang

Food Safety Mistakes

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Hindi na mabilang ang iba’t ibang kaso ng pagkalason sa maraming lugar dito sa ating bansa, ma­ging sa iba parte ng mundo. Marami na rin ang mga information drive o mga rekomendasyon kaugnay sa pagpapanatiling ligtas ng mga pagkain. Pangunahin na ang paalala tungkol sa malinis na preparasyon sa pagluluto at paghahain ng pagkain.

Pero ayon sa mga health care expert, hindi raw sapat na malinis ang pagkain para mailayo ang ating sarili, maging ang lahat ng mga mahal natin sa buhay sa pagkakasakit.  May ilang rekomendasyon sila kung saan dapat maging aware din ang mga magulang o kahit sino man na naghahanda ng pagkain tungkol sa sinasabing ilang pagkakamali kaugnay sa food safety. Basahin ang mga sumusunod:

•  Hindi dapat tikman ang gatas para alamin kung ito at panis na.

•  Kung iisipin, hindi  naman magandang ideya kung ilalagay mo pa sa bibig mo ang gatas. Paano kung panis na? Maaaring malunok mo pa ito at pagmulan ng pananakit ng iyong sikmura. Ang pag-amoy dito ay makakatulong na para matukoy kung ligtas pa ang gatas.

•  Hindi dapat ibalik sa plato kung saan naunang inilagay ang karne noong ito ay hilaw pa at pagkaluto dito.  Kapag hilaw kasi ang anumang uri ng karne, karaniwan ang mga bacteria dito. Kaya kung parehong plato ang gagamitin na paglalagyan ng hilaw at luto na, malaki ang posibilidad na humalo ang bacteria sa luto nang pagkain.

BASAHIN

KAPAG

KAYA

KUNG

MAAARING

MARAMI

PAANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with