Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na sina Fred at Wilma Flintstone ang kauna-unahang mag-asawa ang lumabas sa telebisyon na magkasama sa kama? Mas nakakabasa ng maliliit na letra ang mga lalaki kumpara sa mga babae. Kulay green o berde ang orihinal na kulay ng Coca-cola. Sa Alaska ang pinakamara­ming naglalakad na tao papasok sa kanilang trabaho. 28% ng Africa ay disyerto. Ang pinakabatang pope ay 11-taon lang. Ang bulletproof vests, fire escapes, windshield wipers at laser print ay pawang inimbento ng mga babae. Ang coo­kies ay orihinal na nagmula sa Rome noong 3rd CenturyB.C. at tinatawag nila itong “bis coctum” na ang ibig sabihin ay dalawang ulit na niluto. Ang cookies na ito ay walang sangkap na asukal

 

 

Show comments