NAGKAGULO ang mga tao sa Hong Kong. Kitang-kita nila ang multong nagpapalahaw. Sina Jake at Menchu ay napapailing, naaawang habol ng tanaw si Clarissa.
Ang multo ni Clarissa ay patuloy na nanaÂnaghoy. “RAYMUNDO, WALA NA TAYONG PAG-ASANG MAGKITA…â€
“Jake, ano’ng maitutulong natin kay ClaÂrissa?â€
“Wala, Menchu. Meron siguro—prayers. Na sana ay hindi naman sila bibiguin ng langit.â€
“Nagmamahalan sila ni Raymundo. I believe it is pure love. At hindi bibiguin ng Diyos ang wagas na pag-ibig, Jake.â€
“Sana nga, Menchu. Masyado nang naghirap ang puso ni Clarissa, panahon na para siya matahimik.â€
Natanaw nilang naglaho na sa kaulapan si Clarissa.
Nakatingala ang mga taong nakasaksi sa pagmumulto niya, hindi pa rin makapaniwala.
May ilang foreigner na merong presence of mind—naisingit ang pagkuha ng larawan sa multong maganda pero super-lungkot.
“I got it, ha-haa-haaa!†tuwang-tuwang sigaw ng isang Amerkano. “Awesome! Unbelievable.â€
Nagkatinginan sina Jake at Menchu. Ang dalawang ghost chasers ay meron na ring kuha ni Clarissa—noong nagmulto ito sa Manila.
NASA ibabaw ng Hong Kong si Clarissa, humahagulgol na nakaupo sa makapal na balumbon ng ulap. Tinatamaan siya ng liwanag ng papalubog na araw.
She was a sight to behold. Ang sinumang makakakita ay mamamangha.
May makakakita, marami. Sakay ng eroplanong bumabagtas sa ibabaw ng ulap, malapit na malapit sa kinauupuan ni Clarissa.
“Mommy, may angel po!†Itinuro ng batang nasa tabi ng bintana ng eroplano ang nasa mga ulap.
“My gosh!†Nakita ng ina, napa-sign of the cross ito.
Natanaw na rin ng iba pang pasahero si Clarissa. “Ghost! Ghost!†“Angel! It is an angel!â€
Patungo sa ibang bansa ang eroplano. Hinabol ito ni Clarissa. Sumakay ang multo niya sa tuktok ng international flight. (TATAPUSIN)