Sa kahit anong kondisyon ng kalusugan, mahalaga na magkaroon ng awareness tungkol sa mga posibleng nagiging trigger ng inyong karamdaman. Isang mabisang paraan ito para maiwasan ang posibleng atake ng sakit sa hinaharap. Ayon sa mga pag-aaral, hindi magkakapareho ang nagsisilbing trigger para sa sakit na migraine. Ang kadalasang tinukoy na nagiÂging trigger ng nasabing sakit ay ang mga sumusunod:
Klima - Ang pagpapalit-palit ng temperatura sa paligid dulot ng pabago-bagong klima ay tinukoy na kabilang sa mga nagpapahirap sa mga dumaranas ng migraine. Marami sa mga biktima ng migraine ang nagiging pamilyar sa klima kung kaya kahit hindi mapigilan ang pagbabago ng temperatura atleast nagagawa nilang paghandaan ito.
Kapag weekend na - Bakit? Ayon sa mga tala ng mga may kaso ng migraine, ang panakanaka o regular na pananakit ng ulo ay nararanasan nila tuwing weekend o kaya’y tuwing holidays. Ipinapaliwanag naman ito ng mga expert, na posibleng dulot ng sunud-sunod na stress na maaaring nararanasan tuwing weekend. Dahilan para mag-react ang katawan sa pamamagitan ng pananakit ng ulo. Tinatawag ng mga expert ang kondisyon ito bilang “ letdown headache.†Pero may mga expert naman na ipinapalagay na ang pananakit ng ulo na nararanasan kapag weekend ay maaaring dulot ng mga pagbabago sa diet o sleeping patterns.
Sobrang pagtulog - Mahalaga ang tulog para sa kalausugan, pero ayon sa mga expert ang sobra nito ay kabilang sa mga maaaring makapag-trigger ng migraine. Sa mga naitatalang kaso, napag-alaman na ang mga may migraine at naoobserbahan sinasakitan ng ulo kapag sila ay nasa bakasyon o wala sa trabaho. Mga panahon kung kailan maaari sila makatulog ng mahabang oras, kabaligtaran kapag busy sila sa maraming bagay. Sinasabi rin na ang mga may chronic migraine ay kinakailangang maging stick sa kanilang regular sleep schedule, kahit na weekend. (Itutuloy)