Alam n'yo ba?

Alam n’yo ba na ang paglalagay ng kandila sa birthday cake ay nauso noong unang panahon pa? Naniniwala ang mga sinaunang tao na kung lalagyan nila ng kandila ang cake ay mas makakakuha agad ng atensiyon sa mga “gods” ang  kanilang panalangin.

Ang kinikilala naman na pinakamatandang bride  na nagpakasal ay si Dudley Reid sa edad na 102-gulang ay ikinasal pa siya noong Mayo 31, 1991 sa kanyang 83-anyos na groom habang si Harry Stevens naman ang pinakamatang groom na nagpakasal sa edad na 103. Siya ay ikinasal sa 84-tong gulang niyang bride na si Thelma Lucas sa Caravilla Retirement Home sa Wisconsin noong Disyembre 3,1984. Ayon sa pag-aaral ng National Center for Chronic Disease Preventin and Health Promotion noong 2004, nadiskubreng ang isang stick ng sigarilyo ay nagtataglay ng 4,800 kemikal at 69 dito ay nagiging sanhi ng cancer. Namamatay naman ang 3,000 nonsmokers  o ang mga taong hindi naninigarilyo, pero nakakalanghap ng usok mula sa mga taong naninigarilyo, kada taon. Ito ay dahil mas marami pa silang nalalanaghap na usok kumpara sa taong naninigarilyo.

Ang mga batang may edad na 18-buwan lamang ay nagkakaroon ng sakit sa respiratory track infections o sakit sa baga dahil sa pagkalantad sa usok ng sigarilyo.

 

Show comments