^

Para Malibang

Bakit siya hot pero minsan ay cold? Last Part

Ms. Jewel - Pang-masa

Ito ay karugtong ng paksa kung bakit may mga lalaking “hot” at “cold” pagdating sa relasyon. Narito pa ang ilang dahilan.

Kagaya ng mga babae, ang mga lalaki rin ay hirap sa kanilang pakikipag-break. Ang kaibahan lang, hindi agad mapakawalan ng lahi ni Eva ang mga ilusyon ng kanilang pagmamahalan, pero, sa mga lalaki naman, hindi lang nila kayang tagalan ang katotohanan na kung wala silang makikitang higit sa kagaya mo ay mag-iisa na lang siya kaya ang kanyang gagawin ay agad na babalik sa’yo. Sa kasabihang Ingles: “He’s looking for a greener pasture”. Ang katotohanang ito ay masakit, ngunit kailangan mong tanggapin. Dahil kung hindi ay mas matatagalan ka lang na makakaranas ng pananakit niya sa iyong emosyon. Gugustuhin mo ba na makita mo siyang mainit na mainit sa pagsuyo sa’yo  ngayon at sasabihin niya na hindi niya kayang mabuhay ng wala ka, ngunit ilang oras lang ay  tatratuhin ka naman niya na tila hangin na wala sa kanyang paligid kaya wala rin siyang pakialam sa kung anong mararamdaman mo. Kung totoong mahal ka ng iyong bf, hindi ganito ang pakikitungo niya sa’yo, bagkus ay pagmamahal at buong atensiyon lang ang ibibigay niya sa’yo, dahil ayaw ka niyang mawala sa buhay niya. Kaya lang, dahil sa siya ay “hot” at “cold” sa inyong relasyon, dapat ka ng mag-isip at kuwestiyunin ang pananatili mo sa kanyang tabi. Maaari mo siyang kausapin tungkol sa kanyang ganitong trato sa’yo, at muling bigyan ng pagkakataon ang inyong relasyon.

Ngunit kung wala pa rin pagbabago sa kanya, wala ka ng ibang dapat gawin kundi magpaalam sa kanya at hayaan siya sa landas na nais niyang puntahan. Ang iyong emosyonal na kalusugan ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Tingnan ang magandang kinabukasan na naghihintay sa’yo dahil naroon ang taong karapatdapat sa pagmamahal mo. Hindi mo trabaho ang baguhin ang ganitong uri ng tao, dahil siya lang ang makakagawa nito.

DAHIL

EVA

GUGUSTUHIN

KAGAYA

KAYA

LANG

MAAARI

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with