^

Para Malibang

Problema ng OFW

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay isang OFW na nagtatrabaho bilang DH sa Singapore. Iniwanan ko ang aking asawa at 2 anak sa Pilipinas dahil sa hirap ng buhay diyan. Isa akong dating guro sa public school pero kapos na kapos ang sahod ko na pandagdag lang sa konting sinasahod ng asawa ko. Ang problema ko ay ang isang masugid na manliligaw ko dito sa Singapore. Kaibigan siya ng amo kong Intsik. Sa tuwing nasa bahay siya ay masama ang tingin sa akin na para akong hinuhubaran. Hanggang sa manligaw siya sa akin. Sabi niya hiwalayan ko ang aking asawa at kami ang magsasama. Binasted ko na siya pero masyado siyang makulit at may pagbabanta pa siyang mapapasakamay din ako. Sinumbong ko siya sa amo ko at sabi sa akin huwag akong matatakot dahil palabiro lang ang kaibigan niya. Pero nag-iisip ako ngayon na umuwi ng Pilipinas at tapusin nang wala sa oras ang aking kontrata. Ano ang dapat kong gawin? - Mira, 28

Dear Mira,

Mabuting kumonsulta ka sa ating embahada dyan. Ipagtapat mo ang buo mong problema. Kausapin mo rin ng maayos ang iyong amo dahil sa tingin ko’y kailangan mo na talagang lumisan sa bahay na iyan. Alam kong kailangan mo nang magandang trabaho pero mas importante na maiwasan mo ang nagbabantang kapahamakan. Tama ang iyong pasya. Umuwi ka na ng Pilipinas at magpundar ka na lang ng negosyo. Pero humingi ka muna ng saklolo sa ating embahada.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

ALAM

ANO

BINASTED

DEAR MIRA

DEAR VANEZZA

HANGGANG

INIWANAN

INTSIK

PERO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with