MAGING ang multo ay natakot sa kapwa multo. Hindi malaman ni Dr. Medina kung paano maililigtas ang mga tao sa ospital.
“TAGO! NAMUMUTOL NG ULO ANG BAD SPIRITS! TAGOOO!†sigaw ng mabait na multo ng doktor.
Narinig iyon nina Nurse Olga at Nurse Armida na parehong nasa ground floor. Nataranta sila, paano ba magtatago sa mga multo?
Natanaw na ng dalawang nars ang nakayayanig na mga multo. Hindi nakasayad sa lupa ang mga ito pero solido ang anyo.
Iwinawasiwas ng mga multo ang dalang mga karit at jungle bolo.
“Eeeeee! Doktor Medina! Palapit na sila! Saklolooo!†Tumatakbong sumiÂsigaw ang dalawang nars.
Ang ilang attendants, pati security guard sa lobby, ay parang ipinako sa kinatatayuan. Hindi na biru-biro ito; hindi na nagpaparamdam lamang ang masasamang multo—nagpapakita na!
“Aaaah!†Napatakbong palabas ng ospital ang mga ito.
Palabas noon ang food cart para sa mga pasyente, tulak ng kusinera at isa pang katulong. Sa kanila pasugod ang masasamang ispiritu.
Nangaykay sa takot ang dalawang babae, nagÂlupasay na.
TSAKK. TSAG. TSAPP. TSUD.
Bawat tamaan ng jungle bolo at karit ng mga bad spirits ay napipinsala. Nataga ang desk sa Admission; nawakwak ang upholstered seat sa Waiting area. Hindi nakaligtas ang swivel chair ng doktor.
Nakorner sina Nurse Olga at Nurse Armida, walang masulingan.
“Hu-hu-huu. Nurse Armida, kapag namatay ako, pakisabi sa parents ko na mahal na mahal ko silang lahat.â€
Kasali sa ‘lahat’ ni Nurse Olga ang kanyang asong Japanese Spitz. Mami-miss siya ng aso.
“Hu-hu-huuu.†Pareho na silang humahagulhol ni Nurse Armida. Nasa harap nila ang masasamang multo—nakaamba na sa leeg nila ang matatalim na karit at mahahabang itak.
“Puputulan tayo ng ulo, Nurse Olga. Sana’y maÂbaliw na ako right now! Hu-hu-huuu!†(ITUTULOY)