Alam n’yo ba na may 370 uri ng pating sa buong mundo? Ang paÂting ay may upper at lower eyelids pero hindi sila kumukurap. MaaaÂring mabuntis ang mga babaeng pating ng walang contact sa lalaking pating. Sa Florida may pinakamaraming insidente ng pag-atake ng pating taun-taon. Kayang lumangoy ng pating sa bilis na 40 miles per hour. “Pups†naman ang tawag sa mga baby sharks. Ipinagbabawal sa Solomon at Fiji islands ang pagkain ng pating. May ilang pating ang natatakot sa bubbles na nililikha ng mga scuba divers. Ang oil na nakukuha sa pating ay ginagamit na sangkap sa paggawa ng mga skin creams laban sa pagkakaroon ng wrinkles o kulubot sa balat. Ang pinakamalaking pating ay ang whale shark (Rhincodon o Rhiniodon typus) na may laking 50-talampakan o 15-metro ang haba. Hindi nginunguya ng pating ang kanyang pagkain, nilulunok niya ito ng buo.