Pang-ilan ka sa magkakapatid?
Hinati ang birth order sa tatlong kategorya: Panganay, Panggitna (basta’t hindi panganay at hindi bunso) at Bunso. Kahapon ay ibinigay ko ang nagiging ugali ng panganay, panggitna at bunso.
Kinauuwian ng kanilang kalusugan:
Panganay: prone sa stress, allergies at asthma. Nagkakaroon din ng childhood infection at childhood leukemia.
Panggitna: nagkakaroon ng multiple sclerosis, inflammatory bowel disease kapag matanda na dahil humuhina ang kanyang panunaw.
Bunso: prone sa accidents, infection, heart attack, anorexia.
Pinipili nilang Career:
Panganay: Law, teaching, science, accounting, politics.
Panggitna: sales, caring professions, writing, fashion.
Bunso: creative or performing arts, sales/business.