Maraming nagnanais na magkaroon ng magandang katawan, maging babae man o lalaki. Kaya lang hindi gaganda ang iyong katawan kung puro exercise lang sa gym ang gagawin mo. Dapat mong samahan ng tamang pagkain ang iyong pag-eehersisyo. Ayon sa mga gym-expert, makabubuti kung kakain ka muna tatlo hanggang apat na oras bago ka mag-ehersiyo at dapat na ito ay “light meal†lang. Narito ang mga pagkaing dapat mong kainin bago ka mag-work-out:
Kainin ang mga sumusunod na pagkain 3-4 na oras bago mag-ehersisyo:
Kaunting baked potato at beans na may kaunting keso.
Anim na crackers at isang hiwa ng keso at isang saging.
Lugaw at saging .
Kalahating tasa ng kanin, gulay at kaunting baboy.
Pasta at sauce gaya ng spaghetti
Dalawang hiwa ng toasted bread na may peanut butter at kombinasyon ng saging
Kainin bago mag-ehersisyo 1-2 oras:
Isang slice ng toast na may jam
Oat bar
Isang slice ng fruit cake
Isang pirasong prutas
Cereal bar
Fruit yogart
Kapag ikaw ay nag-eehersisyo, kailangan mo rin na uminom ng maraÂming tubig o mga energy drink para matiyak mo na hindi ka manghihina.