Paulit-ulit na ‘heartache’

Dear Vanezza,

I’m Nikkie, 28, may boyfriend po ako at mahal ko siya. Ilang beses na kaming nag-break at nagkabalikan. Kaya lang sa totoo lang sa huling break-up namin ay parang hindi ko na uli kayang ibigay ang sarili ko sa kanya. Dahil sa tuwing babalikan ko siya ay tila binabalewala niya na lang ako. Naisin ko man ay tila mayroong pumipigil sa akin. Ito marahil ay bunsod ng pagkakaalam ko na mayroong third party involved sa aming relasyon. Napakahirap para sa akin. Tama ba na bumalik pa rin ako sa kanya?

Dear Nikki,

Kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ko na siya babalikan. Bakit? Ito marahil ay dahil sa lantarang panloloko niya sa’yo. Kung susuriin mo, tila pinaglalaruan o ginagamit ka ng taong ito. Bakit? Una, magbi-break kayo, tapos ay magbabalikan, kapag bumalik ka ay tine-taken for granted ka naman. Worse, alam mo pa na mayroong involved na third party sa inyong relasyon. Ibig sabihin, hindi  siya 100% sure sa kanyang sarili na mahal ka niya.  Hindi ka rin matatapos sa ganitong uri ng “heartache” dahil paulit-ulit kang bumabalik sa kanya at sa sitwasyon ninyong dalawa.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments