Maraming boyfriend

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang akong Ms. Taurus. Sa ngayon po apat ang boyfriend ko, pero si Mr. Capricorn talaga ang mahal ko. Mag-iisang taon na po kami. Ako po ay 18 at 20 na s’ya. May nangyari na po sa amin marami na pong beses. S’ya po ba ang ang makakatuluyan ko? Kasi ‘yun 3 sa cell phone ko lang sila sinagot. Maraming salamat po at isa ako sa mga sumusubaybay ng inyong pitak.

Dear Ms. Taurus,

May bf ka na kaya hindi ka na dapat nakikipagmabutihan pa sa iba. Hindi naman paramihan ng bf ang pag-ibig. Kung si Mr. Capricorn ang talagang mahal mo, s’ya lang at huwag ka ng maghanap pa ng ibang pagpipi­lian dahil baka magtalo lang ang iyong damdamin kung marami kang choices. ‘Wag kang maging sigurista, na kapag hindi nag-workout ang relasyon mo sa kanya ay may reserba ka pa. Hindi rin garantiya o assurance na hindi ka iiwan ng lalaki kahit may nangyari na sa inyo. Paano kung mabuntis ka? Kaya ‘wag bigay todo sa pag-ibig, isipin mo rin ang iyong future. Bata pa kayo at pag-aaral ang mas dapat pinag-aaksayahan ng panahon.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments