Last part
Sa resulta ng fMRI, ipinapakita na ang brain activation na kumo-control sa food motivation at reward ng mga volunteer ay bumababa, bago pa ang oras ng pagkain ng tanghalian kapag nakakapag-almusal ang isang tao. Nangangahulugan ito na ang mataas na protein breakfast ay nagreresulta sa malaking pagbabago sa appetite, satiety at reward-driven eating behavior kumpara sa pagkain ng normal protein breakfast.
Simple lang na masasabi ang paraan ng pagkain ng healthy breakfast na protein-rich, na magpaÂpanatiling busog nang matagal sa isang tao, kaya makakaiwas siyang mag-snack.
Maaaring ikonsidera para sa inyong almusal ang paghahain ng dalawang itlog (pwede rin na egg whites lang kung gusto) para sa whole grain toast, mga prutas o gulay ay mainam din, lalo na kung sasamahan ng yogurt. Para mas maging madali, ikonsidera na makakonsumo ng kahit 15 hanggang 20 grams ng protein at 5 hanggang 10 grams ng fiber para sa pagsisimula ng inyong araw at mapanatiling satisfied ang sarili bago pa mag-lunch time.