^

Para Malibang

Alam n'yo ba?

Pang-masa

Alam n’yo ba na ang laway ng tao ang mahusay na pangtanggal ng mantsang dugo sa telang silk?  Ang taglay na protina mula sa laway ng tao ang siyang magtatanggal ng dugo sa telang ito. Malamig din ang telang ito kapag summer at mainit naman sa katawan kapag winter o tag-lamig. Kaya naman tinatawag ito na “self-adjusting fabric”.  Inirerekomenda din ang telang ito na gamitin ng mga taong mayroong “dust mite allergies” dahil natural itong “hypoallergenic”.  Hindi kasi kayang tumagal ng mga dust mites, amag at fungus sa telang silk. Noong unang panahon  sa China, pinapatawan ng parusang kamatayan ang sinumang mahuli na nagpupuslit palabas ng kanilang bansa ng mga silkworms at telang silk. Bagama’t may mga bansang kilala na ngayon sa paggawa ng telang silk, ang mga Tsino pa rin ang kinikilalang “master” sa paggawa nito. Ang mga silkworm ay mas bumibigat ang timbang ng hanggang 10,000 beses sa oras na mapisa na ito mula sa kanyang cocoon. Ang isa sa pinakamagandang pinagkukunan ng silk ay mula sa “Bombyx mori moth”. Ang moth na ito ay hindi nakalilipad at nakakakita. Ang tanging trabaho nito ay mangitlog. Nakakapaglabas siya ng 500 itlog sa loob ng apat hanggang anim na araw ngunit matapos nito siya ay namamatay.

 

BAGAMA

INIREREKOMENDA

KAYA

MALAMIG

NAKAKAPAGLABAS

NOONG

TELANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with