Mahirap para sa mag-asawa/mag-partner ang magkalayo, dahil ang numero unong kalaban sa ganitong uri ng relasyon ay ang pagkasabik sa isa’t isa. Kaya naman minsan, nagsasariling-sikap na lang ang bawat isa sa kanila o ‘yun tinatawag na masturbation. Ayon sa healthcommunities.com, may iba’t ibang maganda at pangit na epekto ang masturbation lalo na sa babae. Ang unang benepisyo na naibibigay nito sa babae ay nakakatulong ito sa pagkawala ng sakit sa balakang bunsod ng menstruation. Nakakawala din umano ito ng stress at nakakataas ng kumpiyansa sa sarili pagdating sa larangan ng sex.
Nakakatulong din ang masturbation sa pagdidiskubre ng teknik kung paano mo mapapaligaya ang iyong sarili. Sa kabila ng benepisyong nakukuha dito, may ilang negatibong epekto naman itong idinudulot sa iyong pag-iisip at relasyon sa iyong partner lalo na kung ito ay nasosobrahan. Importante umanong pinag-uusapan ng mag-partner ang mga bagay sa kanilang sekswal na relasyon.
Maaari mo din masugatan ang iyong sariling genital kung palagi itong ginagawa, lalo na kung gumagamit ng mga sex toys para dito gaya ng vibrator. Ang vibrator ay umiinit din kaya posibleng magkaroon ng paso sa iyong genital. Ang mga taong gumagawa din nito ay kinakailangan din na gumamit ng kanilang imahinasyon o sexual fantasies.
Normal naman ito ngunit dapat din na maging maingat dahil posible itong mapunta sa sexual addiction, obsession at pagkahilig sa sexual materials gaya ng panonood sa mga porn sites, chat rooms, magazines, videos, phone calls at sex toys.