‘Old flame comes alive’..

Dear Vanezza,

I’m Ricky, 30. Married na ko ngayon. Aksidente kong na-meet sa Facebook ang dati kong first love, siya si Joan. May-asawa at anak na rin siya ngayon. Hindi ko alam kung muli akong makiki­pagkaibigan sa kanya o hindi kahit sa FB, dahil natatakot akong muling mabuhay ang dati kong feelings sa kanya. Sa totoo lang, nanghinayang ako na hindi kami nagkatuluyan dahil noong panahon na gusto ko siyang ligawan ay estudyante pa lang ako at walang pang-date. Alam kong gusto niya rin ako noong panahon na ‘yun dahil siya pa ang nag-aaya sa akin ng date pero ako ang tumatanggi. Ngayon na parehas na kaming may-asawa ay kinatatakutan kong muli kaming magkalapit. Tama ba na iwasan ko siya kahit sa FB?

Dear Ricky,

Kung hindi mo tantsado ang iyong feelings para sa kanya, mas mabuti pang umiwas ka na lang muna. Baka maging tila gamu-gamo ka na lumalapit sa apoy at later on ay ikaw mismo ang masusunog. Hindi mo rin naman kasi alam kung ano ang tunay na feelings sa’yo ni Joan. Kaya para hindi kayo kapwa magkaroon ng malaking problema  ikaw na ang umiwas. Mahirap kasing mapasubo sa bandang huli at pagsisihan mo ito. Sa halip na isipin mo siya, mas lalong makipag-bonding sa iyong pamilya

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments