ISANG himala ang nagaganap sa operating room ng ospital. Isinasalba ang malubhang pasyente nang madalian, pilit inagaw kay kamatayan. Si Nurse Olga ang nagpe-perform ng operasyon—sa guidance o patnubay ng patay nang doktor.
Panay ang bulong ng multo ni Dr. Medina kay Olga—kung paano ang dapat gawin sa pasyenteng biniyak na ang sikmura.
“Dahan-dahan, Nurse Olga, pero tiyak. That’s it, you are doing good.â€
“Doc, nanginginig po ang kamay ko…â€
“Ninenerbiyos ka lang. Magtiwala ka sa aking kakayahan bilang surgeon. Kailangang mailigtas ang pasyenteng ito.â€
Tumango si Olga, na-touch siya ng kabutihang loob ng magaling na duktor. Alam niyang ito mismo ang nagsasagawa sa operasyon—kasangkapan lang nito ang kanyang mortal na katauhan.
And she is no longer afraid. Kung madedemanda man siya ng medical association dahil sa kanyang illegal na pag-opera sa malubhang pasyente, bahala na ang kapalaran.
“Lord, patnubayan Mo po kami ni Dr. Medina,†usal ni Olga sa sarili.
Kree-eek. Kree-ek. May lumalangitngit na nakatawag ng pansin ni Olga. “D-Doc, ano ‘yon?â€
Naramdaman niyang nawala sa tabi niya ang ghost ng surgeon.
Nais magpanic ni Olga. “D-Doc? N-nasaan ka na?â€
“Narito ako sa ilalim. Pilit kong pini-prevent ang pagkatanggal ng isang roller. Kundi’y babagsak ang isang paa ng hinihigaan ng pasyente.â€
“P-paano po ito? Doc, hindi ko alam ang next procedure.â€
Huminto ang langitngit. Biglang lumitaw muli ang ghost ng duktor.
Muli nitong ibinulong kay Nurse Olga ang dapat gawin. “Tanggalin mo na ang tumor. Be precise.â€
SA Intensive Care Unit o ICU, si Nurse Armida ay natataranta sa nagpaparamdam na multo. Inuugoy ng multo ang dextrose ng lolang pasyente. Umiiyak na ang nars at ang bantay.
“Hu-hu-huuu. Napakawalanghiya mo! Kapag namatay si Lola, magtutuos tayo hanggang impiyernooo!†(ITUTULOY)