Mapapaligaya ka ba ni kuya?...

Pagkakataon mo nang makilala ang isang tao sa inyong unang date. Malalaman mo sa inyong first date kung siya ba ay potensiyal na makasama mo sa habambuhay. Ngunit paano mo naman malalaman na mapapasaya ka niya sa inyong “private moment”? Narito ang ilang paraan:

Paano siya magsalita? – Ayon sa pag-aaral ng sex expert na si Tracey Cox, malalaman ang lalaking hindi “boring” sa kama kung siya ay hindi rin boring kausap. Kung sa inyong unang date ay magiliw siyang makipag-usap at may iba’t ibang tono ng boses at napapatawa ka niya, tiyak na ganito rin siya kasaya sa kama.

Saan siya nakaupo? – Sa inyong date, masu­sing pag-aralan kung saan siya nakaupo. Kung mas pinili niyang maupo sa bahagi ng lamesa na ikaw lang ang kanyang nakikita. Mabuting senyales ito. Dahil ibig sabihin nito ay ikaw lang ang nais niyang makita at bigyan ng kanyang atensiyon. Tiyak na ganito rin siya kapag kayo ay nagsosolo lang.

Ano ang kanyang ino-order sa inyong date? Ang lalaking palaging gusto ng adventure ma­ging sa kanyang pagkain ay tiyak na madami din siyang nais gawing kakaiba kapag ka­yong dalawa na lang na ikaw ay masisiyahan.

Paano siya makipag-holding hands? Ang lalaking may tunay na “feelings” para sa’yo ay malalaman mo sa paraan ng kanyang paghawak sa iyong kamay. Kapag ang kanyang pakikipag-holding hand ay naka-cross o nakapasok sa bawat espasyo ng iyong daliri, tiyak na nais niyang maging konektado sa’yo mapapisikal man o emosyonal.

Paano siya humalik? - Ang lalaking humahawak sa mukha ng babae kapag humahalik ay indikasyon na siya ay isang romantiko at “passionate”at sa oras na ikaw ay nadadala niya sa kanyang kiss pa lang, isipin mo na lang kapag kayong dalawa na lang sa inyong “private moment”.

 

Show comments