Pampasuwerte sa negosyo

ALAHAS

Ang element na kumakatawan sa negosyong alahas ay metal. Ang iba pang negosyo na metal ang kumakatawan na element ay mining companies, engineering firms, car assemblers and sales office, machinery and equipment enterprises.

Ang paggamit ng windchime ang nararapat para sa mga nasabing negosyo. I-activate ang west at northwest sector ng opisina o tindahan sa pamamagitan ng paglalagay dito ng opisina o table ng taong may kinalaman sa sales. Huwag gagamit ng dekorasyong kulay pula dahil ito ay sumisimbolo ng apoy. As we all know, sinisira ng apoy ang metal. Mainam na gamiting pampasuwerte ay 3 Chinese coins na pinagkabit-kabit ng pulang tali. Idikit ito sa cover ng iyong invoice book at order books. Puwede rin magsabit ng 8 old Chinese coins na pinagkabit-kabit ng pulang tali sa wall ng sales manager’s office o kaya’y idispley sa desk.

Show comments