Iniuugnay ng maraming researchers ang matagal na pagkakaupo sa iba’t ibang health concerns. Kabilang na rito ang obesity at ang metabolic syndrome o ang hanay ng mga kondisyon kung saan kabilang ang blood pressure, high blood sugar, sobrang body fat sa palibot ng baywang at ang abnormal na cholesterol levels.
Pinaniniwalaan din na ang sobrang pag-upo ay nakakapagpataas ng panganib nang posibleng pagkasawi sanhi ng cardiovascular disease at cancer. Sa pinakabagong pag-aaral, ipinagkumpara ang bilang ng mga adults na gumugugol ng wala pang 2 oras sa isang araw, sa harap ng television o iba pang screen based entertainment kumpara sa mga adults na tumatagal ng mahigit sa 4 na oras kada araw.
Ayon sa pag-aaral na ito, lumalabas na ang mga adult na mas matagal sa harap ng screen ay:
1) Nasa halos 50% ang may mataas na panganib ng pagkasawi sa anumang kadahilanan,
2) Nasa 125% naman ang pagtaas ng panganib sa kondisong may kaugnayan sa cardiovascular disease, gaya ang chest pain (angina) o heart attack.
Ipinapaliwanag sa naturang pag-aaral, na ang nasabing pagtaas ng panganib ay iba pa, sa traditional risk factor kaugnay sa cardiovascular disease— ang paninigarilyo o high blood pres (Itutuloy)