Pamahiin

Humawak sa isang punongkahoy bago maglakbay sakay sa eroplano upang maligtas sa kamalasan habang nagbibiyahe.

Malas magbitbit ng flower plant (nasa paso) habang nakasakay sa eroplano.

Sa mangingisda, kailangang ibalik niya sa dagat ang unang isdang mahuhuli para suwertehing makahuli ng marami.

Kung bibili ng second hand car, dapat ay mayaman ang dati nitong may-ari para suwertehin kang kagaya niya.

Malas bumili ng sasakyan sa ika-13th day ng kahit anong buwan.

Malas ang kulay berdeng sasakyan.

Suwerte kung mabangga ka ng paniking lumilipad.

Magluluksa ang pamilya kung may pumasok na paniki sa bahay.

Mamalasin ang mag-asawa kung may lumilipad na paniki sa paligid  habang ikinakasal sila.

 (May karugtong)

Show comments