Dear Vanezza,
I’m Nimfa, 22 years old, single and working as a call center agent. Ang problema ko ay madali akong magsawa sa boys. At my age, nagkaroon na ako ng 19 boyfriends. Ang pinakamatagal kong naging bf ay nung 19 yrs old ako. Siya ang first bf ko at mahal na mahal ko siya. Nagtagal ang relasyon namin ng one year. Sobra akong nasaktan ng makipagkalas siya sa akin at matagal akong nagluksa. After that, hindi na nagtatagal ang aking pakikipag-relasyon. Kung minsan, after two weeks lang ay nakikipag-break na ako makakita lang ako ng kahit konting kapintasan sa bf ko. Hindi naman ako playgirl at hindi ko intensyon na paglaruan ang mga lalaki. Kapag sinagot ko ang lalaki ay talagang may feelings ako para sa kanya. Pero ewan ko bakit hindi nagtatagal ang feelings na iyon. Please advice me.
Dear Nimfa,
Sa tingin ko, nasasaktan ka pa sa nangyaring break-up ninyo ng una mong bf. Marahil hinahanap mo ang katangian niya sa mga nagiging bf mo kaya madali mo silang bini-break kapag hindi mo nakita ang katangiang iyon. Huwag mo nang hanapin ang qualities ng dati mong bf sa ibang laÂlaki dahil mabibigo ka lamang. Every individual is unique at walang kaparis. Iba-iba kahit sa hitsura at ugali. Kahit yung mga sinasabing identical twins ay may pagkakaiba rin. Kalimutan mo na siya at mag-move on ka na. Maraming lalaki na may maganda ring katangian at alam kong mahahanap mo rin siya pagdating ng araw.
Sumasaiyo,
Vanezza