Kung kabilang ka sa mga mahilig sa matatamis na pagkain, na may sucrose gaya ng mga candy, pies at mga cakes. Bawasan ang pagkonsumo nito. Dahil kaunting nutrisyon lamang naman ang makukuha dito. Pwede ang paminsan-minsang pagkain ng mga nabanggit na matatamis kung talagang nagke-craving ka. Pero tiyakin na maÂging kontrolado ang pagkain nito.
Ibig sabihin nito ay ang pagbabawas ng size sa bawat servings. Para mae-enjoy mo ang lasa nang hindi naman napaparami ang pagkonsumo mo ng calories.
Kasama rin sa tamang diet ang pagpili ng carbohydrates. Dahil gaya ng iba pang pagkain, may tinatawag din na bad o good carbohydrates. Ang mga sobrang tamis na mga pagkain gaya ng mga nauna na nating nabanggit ay mga halimbawa ng bad carbohydrates. Mabilis na natutunaw ng katawan ang galing sa bad carbohydrates, na ayon sa mga expert ay nakapagdudulot ng maramihang pagre-release ng glucose. Samantala ang mga good carbohydrates naman ay nagtataglay ng maraming nutrisyon. Ito ang mga klase ng carbohydrates na hindi agad nadudurog ng katawan. Halimbawa ng mga ito ay ang whole grain gaya ng oatmeal, mga gulay at brown rice. Bukod sa mga pagkain, ang sobrang pag-inom ng alak ay sanhi rin ng pagkakaroon ng fatty liver. (Itutuloy)