Natural na pag-improve ng eye vision (1)
Kung oobserbahan, karaniwan na ang mga nagkakaedad ang unang kakikitaan ng iba’t ibang problema sa paningin o vision, bakit? Ayon sa mga espesyalista sa mata, habang nagkakaedad ang isang tao ay tumitigas ang lens sa kanilang mga mata, alinsabay dito ay ang pagtigas din ng mga muscles sa paligid ng mata.
Kaya kung hindi mo nae-exercise ang mga musÂcles, hindi malalabanan ang stress at strain na kaÂraniwang nararanasan ng ating mga mata habang giÂnagamit natin sila. Kapag nagtuluy-tuloy ang pangÂhihina ng mga mata, magsisimula na ang pag-deteriorate o ang paglubha ng kondisyon nito.
Subukan ang mga sumusunod na natural technique mula sa www.articlesfactory.com para matulungan ang inyong mata na magkaroon ng mas mabuting paningin.
Ang mga sumusunod na technique ay maaaring gawin kahit nasaan ka at kahit anong oras mo gustuhin. Ang bottomline ng mga technique na ito ay maturuan ang inyong mga mata na makapag-relax, kasama ng mga muscle sa paligid nito.
Technique 1
PangÂhawakan ang head level position ng iyong ulo, tumingin sa layong maaabot ng iyong mga mata sa kanang direksiyon. Gawin ito nang hindi napupwersa ang mga mata. Pagkatapos, tumingin naman sa layong maaabot ng iyong mga mata sa kaliwang direksiyon. Uliting ang parehong prosesong sa magkabilang mata ng hanggang 10 beses kada oras. (Itutuloy)
Kung may pagkakataon na-a-up set o nakakaranas ng stress, sanayin ang sarili na mag-isip ng mga bagay na nakapagpapaligaya o nakapagbibigay ng calming meories sa iyo. Halimbawa nito ay ang family photos, mga litrato ng iyong bakasyon kasama ang mga mahal sa buhay, magagandang tanawin na nakapgpatuwa sa iyo. Ipikit ang mga mata ng ilang segundo, pakawalan ang malalim na paghinga, buksan ang mga mata at tingnan ang mga magagandang pictures. Gawin ito nang ilang beses sa bawat araw para ma-relax ang iyong mga mata.
Technique 2
Sa bahaging ito naman ay buksan at padaluyin ang tubig sa iyong gripo, na nasa lababo hanggang sa makuha ang mainit na temperatura (ito ay kung may adjust button para sa temperature ang lababo mo). Maaari rin maging alternatibo ang mag-set ng maligamgam na tubig kung saan bahagyang lamang ang init. Ilubog dito ang malinis na face cloth, humiga at ilagay ang warm cloth pa-krus sa iyong mga mata. Habang nasa ganitong posisyon ay isipin ang mga tao, ang iba’t ibang lugar an gang mga bagay na nakapagpapasaya sa iyo.
Ang malambot na tela na nasa mukhang ay magiging daan para maibalik sa kanilang sockets ang iyong mga mata at ang mga positibong alaala naman ang magtatanggal ng stress at pagod nito.
Technique 3
Sa huling bahagi ng technique, gawing dominante sa iyong isip ang mga calming memories. Maaaring mga mga nabanggit nating larawan uli ang gamitin o ang iba pang nakapagdudulot ng kalmadong pakiramdam sa iyo. Pikit ang mga mata ng ilang segundo, huminga ng malalim, buksan ang mga mata at tingnan ang mga magagandang litrato. Gawin ito ng ilang beses kada araw para ma-relax ang iyong mga mata.
Sanayin ang iyong mga mata sa mga simple at natural na techniques na ito, sa bawat araw para matulungan itong makapag-relax. Isang positibong hakbang ang eye relaxation para magkaroon ng mas mabuting paningin ang ating mga mata.
- Latest