^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (10)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SUMAGOT sa mensahe ng impakta ang mga kalahi sa ibang planeta. Mahaba ang tanong: “Zzxxzx^**#zszs<><>xxxzzz###><><+>xxxsss?”

Binasa agad ni Morgama a.k.a. Impakta.

Sa lengguwahe ng tao, ibig sabihin ng tanong ay ganito: “Kailan mo aalamin kung masarap kainin ang mga higanteng tanga, Morgama?”

Bukas din, sagot ng impakta. Titikim ng isang tao kahit diring-diri sa ideya. Paborito lang kainin nito ay litsong manok. Tatlong bagong lutong litsong manok ang ninakaw nito sa litsunan sa lunsod.

Matinik ang impaktang alien, hindi man lang ito namalayan ng mga nagtitinda ng litsong manok. Naubos ang tatlong manok sa loob lamang ng ilang saglit, mga buto na lang ang nalabi; anino man ng impaktang si Morgama ay hindi nasilayan ng mga nasa litsunan.

SA LABAS ng bunganga ni Brando, naka­handa na sila ng alagang pusa. Kapag lalabas na ng kanyang tiyan ang impakta at sa bunganga e-exit, ipasasagpang agad niya kay Ming. Walang patawad si Ming sa mga daga, tiyak na wala ring patawad sa impakta.

At subok na yata ni Brando ang tapang ng pusa. Kahit aso ay kayang patakbuhin ni Ming kapag nangangalmot na ito.

Umaandar ang isip ng binatang lasenggo at tamad magtrabaho. “Ano kaya kung  sumaglit ako sa ospital para ma-X ray sa tiyan? Mayayanig siguro pati kaluluwa ng technician at duktor kapag nakita na ang X-ray result…”

Malapit lang sa tinitirhan ni Brando ang general hospital. May X-ray machine doon.

Walang katiyakan ang paglabas ng impakta sa kanyang tiyan at bibig. Hindi kayang kontakin ng cell phone ang alien from outer space.

Gayunma’y natitiyak ni Brando na nalampasan na ng sibilisasyon ni Morgama o Impakta ang cell phone technology; baka nga Jurassic na ito sa bayan ng alien, milya-milya na ang layo ng mga imbensiyon ngayon pa lang natuklasan ng tao.

Nang mainip sa paghihintay sa impakta, itinuloy ni Brando ang pagpapa-X ray ng tiyan sa ospital. Binalikan niya after 3 hours ang resulta.       

Ang ini-expect ni Brando, matataranta sa pagbabalita sa kanya ang radiologist. E bakit cool na cool ito?

“Wala ka bang nakitang kakatwa sa tiyan ko?” tanong ni Brando. “Wala, bossing. Okay ang tiyan mo.”  (ITUTULOY)

vuukle comment

ANO

BRANDO

IMPAKTA

MAY X

MORGAMA

WALA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with