Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Gandara, 25 at dalaga. Ang problem ko ay tungkol sa tatlo kong manliligaw. Mahigit four months na nila akong nililigawan pero wala pa akong sinasagot sa kanila. Dati na akong nagka-bf at mayroon akong sad experience. Nag-break kami dahil mayroon akong hindi nagustuhan sa kanya. Mama’s boy siya. Kahit nagdi-date kami, kapag tinext ng Mommy niya ay nagmamadaling umuuwi. Kahit gusto ko ang lalaki kapag may nasilip akong hindi magandang katangian ay turn-off agad ako. Sa tatlo kong manliligaw, pare-pareho silang guwapo, gentleman at mabait. Walang itulak-kabigin. Kung puwede nga lang sagutin ko sila lahat ay ginawa ko na sana. Pero I know na isa lang ang dapat kong piliin. Sana’y matulungan mo ako in making the right choice?
Dear Gandara,
Walang ibang makakatulong sa iyo para pumili ng tamang lalaki kundi ikaw. Siguro naman sa tinagal-tagal ng panliligaw nila sa’yo ay nakilatis mo na ang kanilang ugali. Ikaw lang din ang puwedeng pumili dahil ikaw ang higit na nakakakilala sa kanila. Pero walang taong perpekto. Kung ang hinahanap mo ay isang Mr. Perfect, wala kang makikitang ganyan. Lahat ng tao ay may kaÂpintasan katulad ng nauna mong bf na inayawan mo dahil Mama’s boy. Pero kung iisipin, baka ang kanyang pagiging masunurin sa ina ay isa palang positibong katangian. Baka dahil diyan ay magiging responsable siyang asawa. Ang relasyon ay ugnayan ng dalawang imperfect individuals at dahil sa pag-ibig sa isa’t isa ay nagagawa nitong mapunan ang kanilang kapintasan.