^

Para Malibang

Biyudang gustong mag-asawang muli

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Leti, 29, biyuda at may dalawang anak. Kahit negosyante ang asawa ko, wala kaming naipon. Ako ay plain housewife lang. Kaya nang mawala ang asawa ko ay para akong nalumpo. Ang nakuha ko sa kanyang life insu­rance ay hindi naman ganoon kalaki. Ginamit ko ang pera sa pagpapatayo ng isang maliit na tindahan sa amin at pinagkakasya ko ang kaunting kinikita ko. May nanliligaw sa akin ngayon. Biyudo rin at may kaya. Hindi ko siya mahal pero nagiging praktikal lang ako. Na­ngako siya na ituturing niyang anak niya ang mga anak ko. Dapat ko bang intindihin ang sa­sabihin ng iba? Ilang bu­wan pa lang kasi akong nabibiyuda at ayaw kong may masabi ang mga tao sa akin lalo na mga in-laws ko.

Dear Leti,

Buhay mo yan at ikaw lang ang makakapagdesisyon para sa sarili mong kabutihan. Sa relasyon, laging kasama ang pag-ibig. Without love, a marriage is bound to fail. Subalit may mga nagsimula nang walang pag-ibig pero nadi-develop kalaunan. Pero paano kung magpapakasal ka only for convenience at magsisi balang araw? Parang sugal iyan. May karapatan kang mag-asawa muli. Pero gaya ng sinabi mo, maaatim mo ba ang sasabihin ng iba? Kaya bago ka pumasok sa ano mang desisyon sa bagay na iyan, mag-isip ka munang mabuti dahil hindi lang kapakanan mo ang nakasalalay dito kundi pati ng iyong mga anak.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

BIYUDO

BUHAY

DAPAT

DEAR LETI

DEAR VANEZZA

GINAMIT

ILANG

KAYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with