^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (20)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NATIGILAN si Kamatayan a.k.a. Neg­ro Angelo or NA sa tanong ni Lezzy. “Kailangan kong malaman, Negro—meron ka rin bang kaluluwa?”

Napatitig ang boyfriend sa dalaga. “Ako ang tagakuha ng mga kaluluwa, ng mga taong namamatay…”

“Hindi mo nasagot ang tanong ko—meron ka rin bang kaluluwa?”

Nagkibit-balikat ang boyfriend. “Actually, hindi ko pa ina­alam iyan kay Boss.  Hindi ko naisip ang tungkol diyan, Lezzy.”

“Ang boss mo bang sinasabi ay si…God?”

Tumango agad ang tinanong. “Of course, Siya ang Boss ko. Bossing sa inyong lengguwahe.”

Ayaw pa ring mag-sink in sa diwa ng dalaga ang katotohanan—na boyfriend niya si Kamatayan. “Isa pang tanong na hindi mo pa nasasagot, Negro Angelo-- ako ba ay pakakasalan mo at mag-aanak tayo ng tatlo?”

“Hindi ko pa iyan napag-isipan. Nagkaroon ako ng napakaraming girlfriends, laluna sa panahon ni Cleopatra, pero hindi ko sila inanakan.”

“Ayaw nilang magkaanak sa iyo?”

Umiling ang binata. “Not really. Nagkataon lang na pawang banidosang ayaw maging nanay ang mga nakarelasyon ko, Lezzy.”

“Pero sa akin ba ay gusto mong…magkaanak, NA?”

Paiwas ang tugon nito.“May issue kasi sakaling magkaanak tayo. Una, wala akong mga legal documents—baptismal, birth certificate, voter’s ID etsetera. Ano ang magiging basihan ng personal data ng magiging anak natin, Lezzy?”

“Technical problem lang naman ‘yon, Negro. Kayang gawan ng paraan. You know—ayusin…”

“Maglagay ang ibig mong sabihin, Lezzy? Magsuhol sa kawani ng simbahan at gobyerno?”

“Bakit hindi?  Everybody’s doing it, anyway.”

Kabawal-bawalan sa akin iyan ni Boss. Ang mang-corrupt ng mga tao, Lezzy.”

Napailing ang spoiled rich na dalaga. “Holy chic, para ka palang santo sa kabaitan, NA.”

“Kaya nga ako angel, black nga lang ang hitsura. Walang tauhan si Boss na masama.”

“Kung magkakaanak pala tayo, ang baby ko’y … anak ni Kamatayan.” Napapailing-napapangiti si Lezzy.  (ITUTULOY)

vuukle comment

ANGELO

ANO

AYAW

BAKIT

ISA

KAMATAYAN

LEZZY

NEGRO ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with