Hindi pinag-aral ng magulang

Dear Vanezza,

Itago nyo na lang po ako sa pangalang Ms. Virgo, 21. Ang problema ko ay ang magulang ko. Sampu kaming magkakapatid kaya lang may isa silang paborito. Pinatapos nila ng pag-aaral ang paborito nilang anak sa ama. Kinausap ko ang magulang ko na gusto ko rin mag-aral, pero ang sabi sa’kin hindi daw nila ako kaya paaralin. Umiyak ako nang umiyak. Kinaumagahan naghanap ako ng trabaho at natanggap naman ako. Pagpayuhan po ninyo ako.

Dear Ms. Virgo,

Huwag ka ng magdamdam sa kanila. Sa dami ninyong magkakapatid ay may mas rasonableng dahilan sila bakit ang kapatid mo sa ama ang una nilang pinatapos. Ngayong may trabaho ka na, sikapin mong makaipon para matustusan ang iyong pag-aaral. Ipakita mo sa kanila na sa sarili mong pagsisikap ay puwede mo ring matupad ang iyong panga­rap. Alisin mo ang galit o sama ng loob sa iyong puso sa halip ay ituon sa trabaho at pag-aaral ang atensiyon. Manalangin ka sa Diyos na mapagtagum­payan mo ang lahat ng pagsubok.

 

Show comments