Alam n’yo ba na ang pagsisipilyo ay simulang nauso noong panahon ni “Buddha� Nililinis nila ang kanilang ngipin sa pamamagitan ng tinatawag na “tooth stick†mula sa kanilang diyos-diyosan na si Sakka. Ngunit hindi lahat ay nakagagamit nito kaya naman ang ibang walang pagkakataon na makagamit ng tooth stick ay nagmumumog na lang ng gatas ng kambing upang bumango ang kanilang hininga. Gumagamit din ang mga sinaunang tao ng sinunog na ulo ng daga, rabbit, wolf at ox. Maging ang pagsusunog ng paa ng kambing ay ginagawa din nila at ang abo ng mga ito ang siyang kanilang ikinukuskos sa kanilang ngipin.