Winning streak pahahabain ng Beermen

MANILA, Philippines - Palawigin ang win­ning streak sa ASEAN Basketball League (ABL) ang ha­­nap ng San Miguel Beer sa pagharap sa Saigon Heat ngayong hapon sa Tahn Bihn Stadium sa Ho Chi Minh City sa Viet­nam.

Sa ganap na alas-5:30 ng hapon ma­tutunghayan ang tagisan at isa ito sa triple-header na tatapos sa tatlong araw na ABL Hoops Fest.

Galing ang tropa ni coach Leo Austria mula sa 73-53 panalo sa Singapore Sli­ngers noong Biyeres para pagtibayin ang pagtangan sa ikalawang puwesto sa 7-3 baraha na kinatampukan ng apat na sunod na panalo.

Ang host Heats ay ga­ling naman sa 69-90 pag­ka­talo na naglaglag sa ka­nila sa 3-6 karta.

Si Chris Banchero ang nanguguna sa opensa at sa huling laro ay gumawa ng 19 puntos.

Kakamada rin si­na Brian Williams, Justin Wil­­­liams at Asi Taulava na nagsanib sa 33 puntos at 30 rebounds laban sa Sli­ngers.

 

Show comments