Siya ba ay para sa’yo? (1)

Maraming nahihirapang kababaihan  kung paano nila malalaman kung mayroon o wala bang patutunguhan ang kanilang pakikipagrelasyon sa kanilang boyfriend. Kung seryoso ba ito o niloloko lang ba siya?  Narito ang ilang paraan upang malaman mo kung wala siyang magandang plano sa’yo sa hinaharap:

Binibigyan ka niya ng “insecurity” – Kung sa inyong pagsasama ay palagi ka na lang nagseselos ngunit alam mo naman na hindi ka insekyorang tao mula pa noon, maaaring nararamdaman mo sa iyong puso na hindi siya isang tao na karapatdapat pagkatiwalaan. Posible rin na hindi ka niya mabigyan ng tunay na seguridad sa inyong relasyon kaya ka nagiging insecure sa kanya. Kung ganito ang sitwasyon ng inyong relasyon dapat ka na sigurong mag-isip ate.

Kuripot – Sa totoo lang, nagkakaroon ng espesyal na pakiramdam ang isang babae kapag siya ay nakakatanggap ng regalo o ginagastusan ng kanyang partner. Ngunit kung ngayon pa lang na mag-boyfriend pa lang kayo ay hindi mo na siya mapagastos sa inyong date at hindi ka rin kasama sa kanyang mga plano sa kanyang future, posibleng hindi ka niya ganun kamahal at hindi pa rin ikaw ang pinapangarap niyang makasama rito.

Ayaw niyang makilala ang iyong mga kaibigan at pamilya – Ang pamilya at kaibigan mo ay may malaking bahagi sa iyong buhay, kasama mo sila sa hirap at ginhawa. Kaya naman dapat mo lang ipakilala sa kanila ang iyong bf o sinumang partner mo. At sa oras na tinanggihan ka ng iyong bf na makilala sila, isang indikasyon ito na ayaw niyang maging parte siya ng iyong buhay.

Show comments