Dear Vanezza,
I’m Shiela, 35. I have a long distance relationship and it’s really complicated kasi we’re both married. Nasa Britain po siya at nandito ako sa Pilipinas. Nagkakaroon lang kami ng komunikasyon sa internet. Nag-break po kami last January dahil sa suspetsa ko na mayroon siyang ibang babaeng kinalolokohan o karelasyon doon. Bagama’t wala naman siyang inaamin sa akin, ngunit ang puso ko ang nakakaramdam na mayroon pa siyang ibang babae bukod sa akin. Masyado kong nasaktan at matapos ang ilang buwan na hindi pakikipag-chat sa kanya ay nagkaroon uli kami ng komunikasyon at sa tono ng kanyang pakikipag-usap ay tila nais niyang makipagbalikan muli. Dapat ko pa bang sundin ang puso ko? O ang isip ko na nagdidikta sa akin na hindi dapat dahil nahihirapan na akong magtiwala muli sa kanya.
Dear Shiela,
Sa simula pa lang ay mali na ang inyong relasÂyon dahil kapwa kayo may-asawa. Pangalawa, masakit talaga na alam mong pangalawa ka na sa buhay niya ay may malalaman ka pang pangatlo. Tama ang idinidikta ng iyong isip sa iyong puso, ang hiwalayan ang lalaking ito. Mag-focus ka na lang sa mga bagay na makakapagpaunlad ng iyong pagkatao at kalimutan ang walang kuwentang lalaking ito.
Sumasaiyo,
Vanezza