Boyfriend ko si kamatayan (9)

“NEGRO ANGELO, this is too much. Huwag ka sabing malupit mag-joke! Kahit sa biro, walang mga kabataang dapat mamatay! Lalo pa nga’t mga estudyante ng nursing! May pakinabang sa kanila ang mundo!” naiiritang sabi ni Lezzy sa wirdong boyfriend.

“Lezzy, I must go now. Kailangan ako sa eksena.”

“A-Anong eksena?”

“Sa mga nakatakdang…mamatay.”

“Sa limang nursing students…?”

Tumango si Negro Angelo alias NA. “Trabaho lang, walang personalan, Lezzy.”

“Nakatsamba ka lang kay Congressman Lucas, NA! Hindi totoo na may kinalaman ka sa pagkamatay niya! At huwag mong sabihing sangkot ka na naman sa sinasabi mong limang mamamatay! Hindi ka killer!”

“Hindi sila mamamatay sa baril, trust me.”

“Kapag may limang nursing students na namatay, ipapi-pick up na kita sa mga pulis, Negro Angelo! I’m warning you!”  sigaw ni Lezzy sa palayo nang boyfriend.

Naiwan na naman si Lezzy na nagngingitngit.

INIHINGA niya kay Lucille ang problema sa kakaibang boyfriend.

“May BF ka na for 2 days at may nangyari na sa inyo pero ngayon mo lang  kinuwento sa akin, Elizabeth? Akong the best of friends mo?” OA magdayalog ang bading.

“Lucille, the point is super-wirdo nga si Negro Angelo…”

“Wait-wait-wait-wait!” harang nito sa dalaga. “Negro Angelo ang real name niya?”

“Oo, sabi niya. Wala namang maipakita sa’kin kahit anong ID. I didn’t even know kung saan siya nagmula, kung saan nagtatrabaho….kung tunay na binata…”

“Naku, mars, baka alien ‘yan, ha?”

“Gaga, bukod sa tatlo ang expensive cars niya, super-magaling pa siya sa romansa!”

“May posibilidad na magkakaanak ka ng Martian!” 

“Nahulaan niyang magkikita tayo at alam ding Lucio ang tunay mong name, Lucille!”

“Aba, may lason ang dila!” (ITUTULOY)

Show comments