“OO NGA, Lezzy, tayo nga pala ay magkasintahan na.â€
“Mag-syota ang mas gusto kong term. Super-classic ang magkasintahan. Luma na, Negro Angelo.†“Mas luma ang magsing-irog at magsing-giliw, Lezzy. Luma rin pero magandang pakinggan ang hirang,†sabi ni Negro Angelo, napapangiti.
“Nag-research ka ng old Tagalog words kaya alam mo, di ba?â€
“No, Lezzy, nadaanan ko sila bago ako nakarating sa present time.â€
“Hweh.†Nag-make face ang dalagang spoiled. “Hayan ka na naman sa biro mong super-super old ka na. Baka naman sabihin mong pati si Abraham Lincoln e kakilala mo nang personal?â€
Sumeryoso si NA o Negro Angelo. “Nasa tabi ako ni Lincoln nang siya’y mamatay, Lezzy.â€
“Corny! Ang boyfriend ko ay…corny!â€
Napabuntunghininga si NA. “Wala naman talagang matutuwa sa akin, Lezzy. Tingin nila’y kalaban ako ng kasayahan.â€
Nakadama ng awa sa boyfriend si Lezzy. “Hey, ako’y natutuwa sa iyo. I love you, Negro Angelo.â€
Naghiwalay na sila sa lobby ng condo building. “Sa north ako ngayon. Doon ako naka-assign.â€
“Ano nga uli ang trabaho mo, nasabi mo na ba sa akin?â€
Umiling ang binata. “Hindi mo dapat malaman kung ano, Lezzy.â€
“Wow. Misteryoso ka na naman. May ID ka or passport? Visa? Driver’s License? Patingin.†Nagkibit-balikat si Negro Angelo. “Wala ako ng anumang minention mo, Lezzy. Hindi nga kasi ako ordinary…â€
“Damn it, NA. Official girlfriend mo na ako, I need to know kung sino ka, tagasaan ka, etsetera.â€
Umiling-iling si Negro Angelo. “Sorry talaga. Kung puwede nga lang bang magpakilala na ako sa iyo. Napapamahal ka na rin sa akin this early.â€
Kahit paano ay naglubag ang kalooban ni Lezzy. “Sige, magkikita pa kami ni Lucille.â€
Titig na titig sa malayo si Negro Angelo. Napapailing.
“NA, may problema na naman ba?â€
“Mga kabataan ang sabay-sabay na nakatakda…â€
“Nakatakdang ano?â€
“Mamamatay sila, limang estudyante ng nursing.â€
(ITUTULOY)