^

Para Malibang

Mama’s boy ang bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin n’yo na lang akong Rangel, 25 years old at may bf na mama’s boy. Walang tutol ang mga magulang niya sa aming relasyon. Solong anak ang bf ko at bata siya ng isang taon sa akin. Nagustuhan ko siya dahil mabait at mature ang pananaw niya. Yung nga lang masunurin masyado sa ina. Ngayong nagbabalak kaming pakasal gusto ng nanay niya na doon kami tumira sa kanila at ayaw kaming bumukod. Ayaw ko ang ganoon dahil mawawalan kami ng diskarte sa sarili naming buhay. Kung  tutuusin, malaki naman ang pinagsamang income namin ng bf ko at kaya naming mangupahan ng apartment o magpatayo ng low-cost housing. Natatakot kasi ako na baka ang biyenan ko pa ang maging mahigpit kong karibal. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Rangel,

Kumbinsihin mong mabuti ang iyong bf na bumukod kayo kapag kayo’y mag-asawa na. Totoong may disadvantage kapag ang mag-asawa ay nakikipisan sa mga magulang. Mag-usap ka­yong maigi ng nobyo mo. Kapag ang anak ay nasa wastong gulang na, ang tungkulin lang ng mga magulang ay magpayo at ang huling desisyon ay nasa anak. Ang bf mo ang kumumbinsi sa kanyang ina na gusto niyang mamuhay nang responsable at nakapag-iisa at mangakong madalas na dadalaw sa kanila. Bigyan mo siya ng sapat na panahong mag-reconsider at kung ayaw pa rin niya, ikaw na ang magdesisyon.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

AYAW

BIGYAN

DEAR RANGEL

DEAR VANEZZA

KAPAG

KUMBINSIHIN

NAGUSTUHAN

NATATAKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with