^

Para Malibang

Boyfriend ko si kamatayan (5)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

KINILABUTAN si Lezzy sa balita sa TV. Na­alala agad na si Negro Angelo ay nagmamadaling umalis kagabi sa coffee shop—dahil daw ‘naka-schedule’ kagabi si Congressman Lucas, ‘sa harap ng bahay nito’.

Ngayon nga’y nalaman ni Lezzy sa flash report na ang congressman ay nakipagbarilan sa apat na lalaki, sa harap ng bahay nito—nakapatay ng da­lawa bago ito napatay ng mga kalaban.

Napalunok si Lezzy. May kinalaman ba si Neg­ro Angelo, a.k.a. NA sa pangyayari?  Specifically sa naganap na barilan?

Napabuntunghininga siya. Naalalang napakamisteryoso ng bagong kakilalang binata.

Mas angkop marahil na tawaging wirdo si Neg­ro Angelo. Di ba nga kakaiba ang pangalan nito?

At di ba kung magbiro ay akala mo totoo? Ser­yosong-seryosong sinabing inabutan nito sa mundo sina Eba at Adan; ganoon na raw itong katanda.

Sinabi ring masakit ang ngipin ni Hitler nang ito’y binawian ng buhay. At hindi raw nagbibiro si NA.

Siyempre, nagbibiro lang si Negro Angelo. Kakaiba nga lang magbiro. Ito ang paniwala ni Lezzy.

“Nagkataon lang na na-mention ni NA na ‘naka-schedule’ si Congressman Lucas, sa ‘harap ng bahay’ nito.

Malay naman niya, baka may appointment kay Congressman si NA?

Hindi naman sinabi ni NA na ang congressman ay makikipagbarilan at mapapatay, natitiyak ni Lezzy.

Anyway kapag nagkita silang muli ni Negro Angelo, tatanungin niya ito tungkol sa pangyayari.

“Pero titiyakin kong hindi siya mao-offend sa questions ko. I don’t want to create enemies, ‘no. “

Kung hindi lang sila bagumbagong magkaki­lala ni Negro Angelo, pinuntahan na siguro ni Lezzy sa condo unit nito.

Kaso ay naunahan siya ng hiya, kahit pa nga siya’y super-spoiled.

Tok-tok-tok.

May kumakatok, sinilip niya kung sino.

Napaigtad siya nang ito’y makilala. “Speaking of the devil! Si NA!”

Kinilig ang dalaga, na-excite ang puso sa lalaking misteryoso. “Come in, Negro Angelo.” (ITUTULOY)

vuukle comment

ADAN

ANGELO

CONGRESSMAN LUCAS

EBA

KAKAIBA

KASO

KINILIG

NEGRO ANGELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with