Isinasama ng mga multo

Panaginip: Nakita ko ang multo ng aking lola, nanay at tiyuhing matagal nang namatay. Niyayaya nila akong sumama sa bago nilang bahay pero tumanggi ako dahil alam kong multo na lang sila. Niyakap ko kasi ang aking ina pero tumagos ang aking mga kamay.---Jackie

Interpretation: May pinanghihinayangan ka o pinagsisihan tungkol sa nakaraan mong relasyon. Hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin siya. Hindi ka pa rin makawala sa nakaraan.

(Ipadala ang tanong tungkol sa panaginip, fengshui at numerology sa tanong_sa_pm23@yahoo.com)

 

Show comments