Boyfriend ko si kamatayan (2)
NAINSULTO si Lezzy sa sagot ng binatang secret love. Ayaw daw nitong makipagkilala sa kanya. “Excuse me? Hihiyain mo ako?â€
“Masyado kasing agresibo ang approach mo, miss. Tinuturuan lang kitang maging refined, pino.â€
“Suplado ka pala. Akala mo naman kung sino ka.†Inis na inis si Lezzy. “Kung ayaw mo, huwag.â€
Bago pa nakasagot ang lalaki ay tinalikuran na ito ni Lezzy. Namumula sa ngitngit ang spoiled rich lady.
Nasa kotse na siya nang may humabol.
“Hey, wait!â€
Ang lalaking ‘suplado’.
“Ano’ng kailangan mo?†Si Lezzy naman ang nagsuplada.
“Puwede ka bang makilala?†Nakangiti ang lalaki, mababa ang tinig, anyong pagkabait-bait. “Please.â€
Tingin ni Lezzy ay nagpapa-cute pa ito. Parang nalusaw ang inis niya rito. Nais niyang matawa sa anyo ng lalaki.
Natawa na nga si Lezzy. “Hi-hi-hi!â€
Lumabas na ng kotse si Lezzy, nagbalik ang sigla.
“Ikaw si Miss…?â€
“Lezzy Liston. And you are…?â€
Nag-alanganin ang lalaki. “Huwag na lang kaya…â€
“That’s unfair. Nakilala mo na ako, I must also know your name.â€
Nakasandal sila sa kotse. “Promise hindi ka magtatawa sa pangalan ko, Lezzy?â€
“I promise.â€
“Ako si Negro Angelo.â€
Napatanga ang dalaga. Binibiro ba siya ng kausap?
“Are you kidding me? Pinangalanan kang Negro Angelo? Na kung ita-translate ay Black Angel?â€
Tumango ang lalaking tipong artista—tall, dark and handsome.
“Iyon talaga ang pangalan ko. NA for short.â€
“Amazing! Negro Angelo! NA!†Aliw na aliw si Lezzy.
“Puwede mo rin akong tawagin sa first name ko.â€
Natawa uli si Lezzy, umiiling. “Hi-hi-hi! Huwag na lang.
Ayokong tawagin kang Negro.†(ITUTULOY)
- Latest