Dear Vanezza,
Ako po ay hiwalay sa asawa. Sumama sa ibang babae ang mister ko. Mayroon akong munting karinderya na pinagkukunan ko ng ikabubuhay naming mag-iina. Karamihan sa mga kumakain sa karinderya ko ay mga jeepney drivers. May masugid na nanliligaw sa akin sa mga drivers na ito. Kung minsan, naiisip ko na malungkot ang nag-iisa at walang katuwang sa buhay. Pero kasal ako sa aking asawa. Iyan ang nagiging hadlang kung bakit ayaw kong mag-asawa muli. Ano ang maipapayo mo sa akin? - Bes
Dear Bes,
Sa ilalim ng Family Code puwedeng mapawalang-bisa ang iyong kasal sa iyong asawa dahil sa marital infidelity. Pero syempre may katumbas na halaga ang pagproseso niyan. Pero bago ka sumuong sa panibagong relasyon, dapat tyakin mong tapat ang hangarin sa’yo ng iyong manliligaw at hindi ka lolokohin lang. Kilalanin mo munang mabuti ang kanyang pagkatao at huwag agad pairalin ang nararamdaman ng puso.
Sumasaiyo,
Vanezza