Umiihi sa kama (Enuresis)

Ang pag-ihi sa gabi kapag natutulog ay kahiya-hiya para sa mga nakakaranas nito. Ang medical term sa pag-ihi sa kaama sa gabi ay enuresis. Karaniwan ito sa mga adults. Ang taong nakakaranas nito ay hindi makapagsabi sa kanilang pamilya dahil sa sobrang hiya lalo na sa mga kaibigan.

Mahirap ang problemang ito lalo na kung matutulog sa ibang bahay.

Tinalakay ng embarrassingproblems.com kung ano ang dahilan ng enu­resis, kung ano ang maaaring gawin at kung ano ang maitutulong ng doctor sa problemang ito. Anong puwedeng gawin?

• Huwag sisihin ang sarili. Hindi dapat ma-guilty o isiping marumi ang sarili dahil hindi naman makikita sa iyong physical appearance na may ganito kang problema. Bawasan ang alcohol. Hindi ito ang siguradong solusyon ngunit maaaring makatulong ito. Bukod sa alcohol, iwasan din ang pag-inom ng kape sa gabi.

• Gumamit ng alarm clock. Mag-alarm ng mas maaga kaysa sa iyong nakasanayang oras ng paggising at umihi. Iba-ibahin ang oras ng gising para hindi makasanayan ang ganitong oras ng pag-gising.

• Subukang matulog sa ibang kama. Kung hindi man sa ibang kama, subukang lumipat sa ibang kuwarto o kahit iurong lang ang kama.  Nakakatulong ito sa ibang taong may ganitong problema.

• Subukang komunsulta sa doctor. Maraming may enuresis ang nahihiyang magpatingin sa doctor. Makakatulong ang iyong doctor sa problemang ito.

• Susunod nating tatalakayin kung ano ang maitutulong ng iyong doctor at  kung ano ang sanhi ng enuresis.  (ITUTULOY)

Show comments