Ang seizures o pag-atake ng epilepsy ay maaaring maranasan kahit sa pinaka-hindi inaasahang pagkakataÂon.
Ayon sa mga health care expert, ito ay maaaring nakakatakot lalo na kung nagreresulta sa pagkawala ng malay-tao, malubha at maaaring magdulot ng matinding pananakit.
Pero may maituturing umanong mga unang palatandaan kaugnay dito, na makakatulong para mapaghandaan ang posibleng pag-atake. Tinatawag itong pre-ictals, na maaaring maranasan sa loob ng ilang minuto, ilang oras o ilang mga araw bago tuluyang mangyari ang pag-atake.
Kaya magkakaroon pa ng pagkakataon ang isang taong dumaranas ng seizures para magpunta sa mas ligtas na lugar o mapaghandaan ang sitwasyon. Biglaang pagdanas ng pananakit. Sa mga pag-aaral at iba’t ibang obserbasyon, karaniwang dumadaing ng pananakit ng ulo, na may pagkakahawig ng sa migraine ang mga taong daranas ng pag-atake. Pero ipinapaliwanag na ang pananakit na ito ay maaari rin maramdaman sa iba pang bahagi ng katawan. (Itutuloy)