Parang biglang nilagnat ang pakiramdam ni Jayson, hindi naiwasang muling sulyapan ang nanunuksong mga hita ni Geraldine. Alam ba ng dalagang halos nakahiga na napakalinaw ng kanyang mata?
“Got it, Jayson!†masayang sabi ni GeÂraldine habang tumatayo na, hawak ang digital camera. “Perfect shot din!â€
“G-good.†Nagandahan naman si Jayson sa kuha. Hindi niya sasabihin sa dalaga na ito’y di-sinasadyang nakitaan niya.
“Nailang ka ba sa…sa dress ko habang kinukunan kita?†kaswal na tanong ni Geraldine.
Namula ang mukha ng binata. Ano ba ang isasagot niya?
“W-Wala akong…nakita, trust me, GeÂraldine.â€
“Wala naman akong sinabi, a. Anyway, okay lang. Sabi nga ng matatanda, hindi naman nakukuha kahit nakikita. Magkakakuliti daw ang mga pilyong mata.â€
“Oo nga raw,†segunda ni Jayson. “Huwag naman sana.â€
“Ano’ng sabi mo, Jayson?†nakangiting tanong.
“W-wala…nothing.†Nagsinungaling si Jayson.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Naaaliw ang binata habang nakatanaw sa main road ng Kuala Lumpur. Kita nila ni Geraldine ang mga commercial buildings at shopping malls.
“Ano’ng masasabi mo kung ikukumpara sa bansa natin?†tanong ni Jayson, holding hands sila.
“Well, pamilyar ka ba sa Global City sa Taguig at sa Makati Business District sa Ayala Avenue?â€
“Yes, of course, Geraldine. Ako pa!â€
“Napuntahan mo na ba ang Mall of Asia, at ang Shangri-La Plaza sa Shaw Boulevard corner EDSA?†“Galang-gala ko ang mga na-mention mo.†“Ang Eastwood City?â€
“Yes, I love that place.â€
“Then alam mo na ang sagot ko sa tanong mo, Jayson.â€
Nagningning ang mga mata ng binata. “I totally agree. Hindi puwedeng isnabin ang mga nabanggit na lugar sa Metro Manila. Baka nga mas magaganda ang nasa Pilipinas.â€
Tirik ang araw, biglang nangilabot si Jayson, takang-taka kay Geraldine. “Holy shit! Imposible!†(ITUTULOY)