‘Torn between two lovers’

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Opel, 23. Ang problema ay tungkol sa dalawa kong boyfriend. Kahit bf ko sila, walang nangyayaring masama sa amin. Dinadalaw nila ako sa bahay at paminsan-minsan ay tatlo kaming nagdi-date para mag-malling, kumain, manood ng sine. Wala pa akong commitment kung kanino ako magpapakasal. Inamin ko sa kanila na pareho silang matimbang sa akin pero binigyan nila ako ng panahong mapag-aralan pa ang damdamin ko. Nahihirapan kasi akong pumili sa kanilang dalawa dahil taglay nila ang magagandang katangiang hanap ko sa lalaki. Ang problema ko ay ang pagdedesisyon dahil pakiramdam ko’y pareho ko silang mahal. Ano ang dapat kong gawin? Sana’y matulungan mo ako sa pagdedesisyon.

Dear Opel,

Kung naguguluhan ka dahil mahal mo sila pareho, daanin mo sila sa isang pagsubok. Bahala ka nang mag-isip kung anong klase ng pagsubok. Siguro nama’y magkakatalo sila sa pagtugon o pagsagot sa ihaharap mong challenge. Bata ka pa at hindi mo kailangang magmadali. Pag-aralan mo pa ng husto ang iyong damdamin at kilalanin silang mabuti.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments